Add parallel Print Page Options

22 Marami silang napatay sa kanilang mga kaaway, sapagkat ang Diyos ang nanguna sa kanila. Patuloy silang nanirahan sa lupaing iyon hanggang sa sila'y dalhing-bihag sa ibang bansa.

Kalahati ng Lipi ni Manases

23 Ang kalahating lipi ni Manases ay napakarami. Kumalat sila sa iba't ibang lupain mula sa Bashan, Baal-hermon, Senir hanggang sa Bundok ng Hermon. 24 Ito ang mga pinuno ng kanilang mga angkan: sina Efer, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at Jahdiel. Sila'y magigiting na mandirigma at mga tanyag na pinuno ng kani-kanilang angkan.

Read full chapter