Add parallel Print Page Options

28 Ang lupaing sakop nila ay ang Bethel, at sa dakong silangan ay ang Naaran. Sa kanluran naman ay ang Gezer, Shekem at Gaza, kasama ang lahat ng mga bayang nasasakop ng mga ito. 29 Subalit ang Beth-sean, Megido, Dor at ang mga bayang nasa paligid ng mga ito ay sakop ng lipi ni Manases. Dito nanirahan ang mga angkan ni Jose na anak ni Jacob.

Ang Lipi ni Asher

30 Ang mga anak ni Asher ay sina Imna, Isva, Isvi, Berias. Si Sera lang ang babae.

Read full chapter