Font Size
1 Juan 2:10-12
Ang Salita ng Diyos
1 Juan 2:10-12
Ang Salita ng Diyos
10 Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananatili sa liwanag at walang anumang bagay ang sa kaniya na magiging katitisuran. 11 Ang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi niya malaman kung saan siya patutungo sapagkat ang kadilimang iyon ang bumulag sa kaniyang mga mata.
12 Munti kong mga anak, sinusulatan ko kayo sapagkat ang inyong mga kasalanan ay pinatawad na, alang-alang sa kaniyang pangalan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International