Add parallel Print Page Options

16 Sapagkat ang lahat ng nasa sanlibutan—ang pagnanasa ng laman, at ang pagnanasa ng mga mata, at ang kapalaluan sa buhay ay hindi mula sa Ama kundi sa sanlibutan. 17 Lilipas ang sanlibutan at ang pagnanasa nito, subalit ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman.

Ang Anti-Cristo

18 Munting mga anak, huling oras na! Tulad ng inyong narinig, ang anti-Cristo ay darating. At ngayon, marami na ngang anti-Cristo ang dumating. Kaya't alam natin na huling oras na.

Read full chapter