Add parallel Print Page Options

Ang sinumang nagsasabing, “Kilala ko ang Diyos,” subalit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay isang sinungaling; wala sa taong iyon ang katotohanan. Ngunit ang sinumang tumutupad sa salita ng Diyos, magiging ganap ang kanyang pag-ibig sa Diyos. Sa pamamagitan nito ay matitiyak natin na tayo ay nasa kanya. Ang sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay kung paano namuhay si Jesus.

Read full chapter