Add parallel Print Page Options

21 Mga minamahal, kung hindi tayo hinahatulan ng ating puso, mayroon tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos. 22 At tatanggapin natin ang anumang hilingin natin sa kanya, sapagkat tinutupad natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kanyang paningin. 23 At ito ang kanyang utos, na sumampalataya tayo sa pangalan ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at magmahalan sa isa't isa, tulad ng ibinigay niyang utos sa atin.

Read full chapter