Font Size
1 Mga Hari 10:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 10:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagdalaw ng Reyna ng Seba(A)
10 Nabalitaan(B) ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Solomon.[a] Kaya't nagsadya siya upang subukin ito sa pamamagitan ng mahihirap na katanungan. 2 Dumating siya sa Jerusalem na may kasamang maraming alalay at may dalang maraming kayamanan: mga kamelyo na may kargang iba't ibang uri ng pabango, napakaraming ginto at batong hiyas. At nang makaharap na siya ni Solomon, sinabi niya ang kanyang pakay. 3 Sinagot naman ni Solomon ang lahat ng kanyang tanong at wala ni isa mang hindi nito naipaliwanag.
Read full chapterFootnotes
- 1 katanyagan ni Solomon: o kaya'y ang kaalaman ni Solomon tungkol kay Yahweh .