Font Size
1 Mga Hari 14:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 14:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Dahil(A) dito paparusahan ko ang iyong angkan. Lilipulin ko silang lahat, matanda at bata. Wawalisin kong parang dumi ang buong angkan mo mula sa Israel. 11 Sinumang kamag-anak mo na mamatay sa loob ng lunsod ay kakainin ng mga aso; ang mamatay naman sa bukid ay kakainin ng mga buwitre.’ Ito ang sabi ni Yahweh.
12 “Ngayon, umuwi na kayo. Pagpasok na pagpasok ninyo sa bayan ay mamamatay ang inyong anak.
Read full chapter