Add parallel Print Page Options

23 Sapagka't sila'y nagsipagtayo naman para sa kanila ng mga mataas na dako, at ng mga haligi, at ng mga Asera, sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy;

24 At nagkaroon din naman ng mga sodomita ang lupain: sila'y nagsigawa ng ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ng Israel.

25 At nangyari, nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem:

Read full chapter