Add parallel Print Page Options

Kaya't kaniyang sinabi sa mga sugo ni Ben-adad, Saysayin ninyo sa aking panginoon na hari, Ang lahat na iyong ipinasugo sa iyong lingkod ng una ay aking gagawin: nguni't ang bagay na ito ay hindi ko magagawa. At ang mga sugo ay nagsialis at nagsipagbalik ng salita sa kaniya.

10 At si Ben-adad ay nagsugo sa kaniya, at nagsabi, (A)Gawing gayon ng mga dios sa akin, at lalo na (B)kung ang alabok sa Samaria ay magiging sukat na dakutin ng buong bayan na sumusunod sa akin.

11 At ang hari sa Israel ay sumagot, at nagsabi, Saysayin ninyo sa kaniya na huwag maghambog ang nagbibigkis ng sakbat na gaya ng naghuhubad.

Read full chapter