Add parallel Print Page Options

Inibig ni Achab para sa kaniya ang ubasan ni Naboth.

21 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Naboth na Jezreelita ay mayroong isang ubasan na nasa (A)Jezreel, na malapit sa bahay ni Achab na hari ng Samaria.

At sinalita ni Achab kay Naboth, na sinabi, (B)Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan, upang aking tangkilikin na pinaka halamanang pananim, sapagka't malapit sa aking bahay; at aking ipapalit sa iyo na kahalili niyaon ang isang mainam na ubasan kay sa roon; o kung inaakala mong mabuti, aking ibibigay sa iyo ang halaga niyaon na salapi.

At sinabi ni Naboth kay Achab, Huwag itulot ng Panginoon sa akin, na (C)aking ibigay ang mana sa aking mga magulang sa iyo.

Read full chapter