Add parallel Print Page Options

20 Nagtanong siya, ‘Sino ang hihikayat kay Ahab na salakayin ang Ramot-gilead?’ Kanya-kanyang sagot ang mga espiritu. 21 Ngunit mayroong isang tumayo at nagsalita ng ganito: ‘Ako po ang hihikayat kay Ahab.’

“‘Sa paanong paraan?’ tanong ni Yahweh.

22 “‘Pupunta po ako roon at magiging espiritung sinungaling na magsasalita sa pamamagitan ng kanyang mga propeta,’ sagot ng espiritu.

“‘Ikaw ang humikayat sa kanya at magtatagumpay ka,’ sabi ni Yahweh.”

Read full chapter