Add parallel Print Page Options

10 At ang pangungusap ay nakalugod sa Panginoon, na hiningi ni Salomon ang bagay na ito.

11 At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan;

12 Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: (A)narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa't (B)walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo.

Read full chapter