Font Size
1 Mga Hari 3:11-13
Ang Biblia (1978)
1 Mga Hari 3:11-13
Ang Biblia (1978)
11 At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan;
12 Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: (A)narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa't (B)walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo.
13 At akin namang ibinigay sa iyo ang hindi mo hinihingi, ang (C)kayamanan at gayon din ang karangalan, (D)na anopa't walang magiging gaya mo sa mga hari, sa lahat ng iyong mga kaarawan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978