Font Size
1 Mga Hari 4:19-21
Ang Biblia, 2001
1 Mga Hari 4:19-21
Ang Biblia, 2001
19 si Geber na anak ni Uri sa lupain ng Gilead, na lupain ni Sihon na hari ng mga Amoreo, at ni Og na hari ng Basan; at siya lamang ang katiwala sa lupaing iyon.
20 Ang Juda at ang Israel ay marami na gaya ng buhangin sa tabi ng dagat sa dami, na nagkakainan, at nag-iinuman, at nagkakatuwaan.
21 At(A) si Solomon ay naghari sa lahat ng mga kaharian mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at hanggang sa hangganan ng Ehipto. Sila'y nagdala ng mga buwis at naglingkod kay Solomon sa lahat ng araw ng kanyang buhay.
Read full chapter