Add parallel Print Page Options

25 At ang Juda at ang Israel ay nagsitahang tiwasay, na (A)bawa't tao'y sa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, (B)mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, sa lahat ng kaarawan ni Salomon.

26 At mayroon si Salomong apat na pung libong kabayo sa kaniyang mga silungan para sa kaniyang mga karo, (C)at labing dalawang libong mangangabayo.

27 At ipinag-imbak ng mga katiwalang (D)yaon ng pagkain ang haring Salomon, at ang lahat na naparoon sa dulang ng haring Salomon, bawa't isa'y sa kaniyang buwan: walang nagkulang na anoman.

Read full chapter