Font Size
1 Mga Hari 4:25-27
Ang Biblia, 2001
1 Mga Hari 4:25-27
Ang Biblia, 2001
25 Ang Juda at ang Israel ay nanirahang tiwasay, ang bawat tao'y nasa ilalim ng kanyang puno ng ubas at sa ilalim ng kanyang puno ng igos, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, sa lahat ng mga araw ni Solomon.
26 Si(A) Solomon ay mayroon ding apatnapung libong kabayo sa kanyang mga kuwadra para sa kanyang mga karwahe, at labindalawang libong mangangabayo.
27 At ipinaghanda ng mga katiwalang iyon si Haring Solomon at ang lahat ng dumudulog sa hapag ni Haring Solomon, bawat isa sa kanyang buwan; hindi nila hinahayaang magkulang ng anuman.
Read full chapter