Font Size
1 Mga Hari 6:6-8
Ang Biblia (1978)
1 Mga Hari 6:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Ang kababababaan ay may limang siko ang luwang, at ang pangalawang grado ay may anim na siko ang luwang, at ang ikatlo ay may pitong siko ang luwang: sapagka't siya'y gumawa ng mga tungtungan sa labas ng bahay sa palibot, upang ang mga sikang ay huwag kumapit sa mga pader ng bahay.
7 At ang bahay, nang ginagawa, ay ginawa na mga bato na inihanda sa tibagan ng bato: (A)at wala kahit pamukpok o palakol man, o anomang kasangkapang bakal na narinig sa bahay, samantalang itinatayo.
8 Ang pintuan sa mga kababababaang silid sa tagiliran ay nasa dakong kanan ng bahay: at sa pamamagitan ng isang hagdanang sinuso ay nakapapanhik sa pangalawang grado, at mula sa pangalawang grado ay sa ikatlo.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
By Philippine Bible Society