Add parallel Print Page Options

48 Sa(A) gayon ginawa ni Solomon ang lahat ng kasangkapan na nasa bahay ng Panginoon: ang gintong dambana, at ang gintong hapag para sa tinapay na handog;

49 ang(B) mga ilawan na yari sa lantay na ginto, lima sa gawing timog, lima sa hilaga, sa harap ng panloob na santuwaryo; ang mga bulaklak, ang mga ilaw, at mga pang-ipit ay yari sa ginto;

50 ang mga saro, mga panggupit ng mitsa, mga palanggana, mga lalagyan ng insenso, at mga apuyan ay pawang yari sa lantay na ginto; at ang mga pihitan para sa mga pinto sa kaloob-looban ng bahay, ang kabanal-banalang dako, at ang mga pinto sa gitnang bahagi ng templo ay yari sa ginto.

Read full chapter