Add parallel Print Page Options

Tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng paglakad ni David na iyong ama sa katapatan ng puso at sa katuwiran, at gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo, at tutuparin mo ang aking mga tuntunin at mga batas,

ay(A) akin ngang itatatag ang trono ng iyong kaharian sa Israel magpakailanman, ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama, na sinasabi, ‘Hindi mawawalan sa iyo ng papalit sa trono ng Israel.’

“Ngunit kung kayo ay lumihis sa pagsunod sa akin, kayo o ang inyong mga anak, at hindi tuparin ang aking mga utos at mga tuntunin na aking inilagay sa harap ninyo, kundi kayo'y humayo at maglingkod sa ibang mga diyos, at sumamba sa kanila;

Read full chapter