Add parallel Print Page Options

Ngayon, (A) sa inyong mga sumasampalataya, siya'y mahalaga; subalit sa mga hindi sumasampalataya,

“Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo
    ang siyang naging batong panulok,”

at, (B)

“Isang batong katitisuran ng mga tao
    at dahilan ng kanilang pagkadapa.”

Sila'y natisod dahil sa pagsuway nila sa salita, at iyon din naman ang kanilang kahihinatnan.

Ngunit (C) kayo'y isang lahing pinili, mga paring naglilingkod sa hari, isang bansang banal, sambayanang pag-aari ng Diyos. Hinirang kayo upang inyong ipahayag ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos na tumawag sa inyo mula sa kadiliman at nagdala sa inyo sa kanyang kahanga-hangang liwanag.

Read full chapter