Add parallel Print Page Options

Ang (A) kagandahan ninyo ay huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, ang pagandahin ninyo ay ang nakatagong pagkatao, isang hiyas na walang kupas, maamo at mapayapang diwa, bagay na napakahalaga sa paningin ng Diyos. Iyan ang kagandahang ipinakita ng mga banal na babae noong unang panahon. Umasa sila sa Diyos at nagpasakop sa kanilang mga asawa.

Read full chapter