Add parallel Print Page Options

11 Kung ang sinuman ay magsalita, magsalita siya tulad ng isang nagsasalita ng salita ng Diyos. Kung ang sinuman ay naglilingkod, maglingkod siya ayon sa lakas na ibinibigay sa kaniya ng Diyos. Gawin niya ang mga ito upang papurihan ang Diyos sa lahat ng bagay sa pamamagitan ni Jesucristo. Sa kaniya ang karangalan at paghahari magpakailan pa man. Siya nawa.

Pagdanas ng Hirap sa Pagiging Isang Kristiyano

12 Mga minamahal, huwag ninyong isipin na wari bang hindi pangkaraniwan ang matinding pagsubok na inyong dinaranas. Huwag ninyong isipin na tila baga hindi pangka­raniwan ang nangyayari sa inyo.

13 Magalak kayo na kayo ay naging bahagi sa mga paghihirap ni Cristo. Kapag nahayag na ang kaniyang kaluwalhatian labis kayong magagalak.

Read full chapter