Add parallel Print Page Options

16 Ngunit kung kayo'y magdusa dahil sa pagiging Cristiano, huwag ninyong ikahiya ito, sa halip ay magpuri kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo. 17 Panahon na upang simulan ang paghuhukom, at ito'y magsisimula sa sambahayan ng Diyos. At kung sa atin ito nagsisimula, ano pa kaya ang magiging wakas ng mga hindi sumusunod sa ebanghelyo ng Diyos?

18 At (A) kung ang matuwid ay mahirap nang makaligtas,
    ano kaya ang sasapitin ng mga makasalanan at hindi kumikilala sa Diyos?

Read full chapter