Add parallel Print Page Options

10 Pagdating nila sa Gibea, nakasalubong nga nila ang isang pangkat ng mga propeta. Lumukob kay Saul ang Espiritu[a] ni Yahweh at siya'y nagpahayag din tulad sa ginagawa ng mga propeta. 11 Nang makita siya ng mga nakakakilala sa kanya, itinanong ng mga ito, “Ano bang nangyari kay Saul na anak ni Kish? Propeta na rin ba si Saul?”

12 Isang(A) tagaroon ang sumagot, “Bakit naman hindi? Baka siya pa nga ang kanilang pinuno.”[b] At dahil dito, nagsimula ang kasabihang, “Propeta na rin ba si Saul?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 10 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
  2. 12 Bakit…pinuno: o kaya'y Paano siya magiging propeta? Sino ba ang pinuno ng mga propetang iyan?