Add parallel Print Page Options

Nang maghiwalay sila ni Samuel, si Saul ay binigyan ng Diyos ng bagong katauhan. At nang araw ring iyon, naganap ang lahat ng sinabi sa kanya ni Samuel. 10 Pagdating nila sa Gibea, nakasalubong nga nila ang isang pangkat ng mga propeta. Lumukob kay Saul ang Espiritu[a] ni Yahweh at siya'y nagpahayag din tulad sa ginagawa ng mga propeta. 11 Nang makita siya ng mga nakakakilala sa kanya, itinanong ng mga ito, “Ano bang nangyari kay Saul na anak ni Kish? Propeta na rin ba si Saul?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 10 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .