Add parallel Print Page Options

Nguni't nilimot nila ang Panginoon nilang Dios; at ipinagbili niya sila sa kamay ng Sisara, na kapitan ng hukbo ni Azor, at sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari sa Moab; at sila'y nakipaglaban sa kanila.

10 At sila'y dumaing sa Panginoon at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka't pinabayaan namin ang Panginoon at naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astaroth: nguni't ngayo'y palayain mo kami sa kamay ng aming mga kaaway, at kami ay maglilingkod sa iyo.

11 At sinugo ng Panginoon si Jerobaal, at si Bedan, at si Jephte, at si Samuel, at pinapaging laya ko sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawa't dako, at kayo'y tumahang tiwasay.

Read full chapter