Add parallel Print Page Options

Ngunit(A) si Yahweh ay tinalikuran ng sambayanan. Kaya't sila'y ipinalupig niya kay Sisera, ang pinuno ng hukbo ni Jabin na hari ng Hazor, gayundin sa mga Filisteo at sa mga Moabita. 10 Pagkatapos(B) ay dumaing sila kay Yahweh at kanilang sinabi, ‘Nagkasala kami sapagkat tinalikuran ka namin. Naglingkod kami kay Baal at kay Astarot. Iligtas mo kami ngayon sa aming mga kaaway at maglilingkod kami sa iyo.’ 11 At(C) ipinadala sa kanila ni Yahweh sina Gideon,[a] Barak,[b] Jefte, at Samuel; iniligtas nila kayo at pinangalagaan laban sa inyong mga kaaway kaya't mapayapa kayong nakapamuhay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11 Gideon: o kaya'y Jerubaal .
  2. 11 Barak: o kaya'y Bedan .