Font Size
1 Samuel 13:1-3
Magandang Balita Biblia
1 Samuel 13:1-3
Magandang Balita Biblia
Ang Pakikidigma Laban sa mga Filisteo
13 Tatlumpung[a] taon si Saul nang siya'y maging hari ng Israel. Siya'y naghari sa loob ng dalawang taon.[b]
2 Pumili si Saul ng tatlong libong tauhan; ang dalawang libo ay isinama niya sa Micmas at sa kaburulan ng Bethel. Ang sanlibo naman ay pinasama niya kay Jonatan sa Gibea, sakop ng Benjamin. Ang iba'y pinauwi niya sa kani-kanilang tolda.
3 Nasakop na ni Jonatan ang kampo ng mga Filisteo sa Gibea at ito'y napabalita sa buong lupain ng mga Filisteo. Ipinabalita naman ni Saul sa buong Israel ang nangyari at tinawagan ang buong bayan na makidigma.
Read full chapterFootnotes
- 1 Samuel 13:1 Tatlumpung: Sa tekstong Hebreo ay hindi nakasulat ang bilang na ito, at sa tekstong Griego ay hindi nakasulat ang talatang 1.
- 1 Samuel 13:1 dalawang taon: Sa tekstong Hebreo, hindi kumpleto ang pagkakasulat ng bilang na ito.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
By Philippine Bible Society