Add parallel Print Page Options

10 Katatapos lamang niyang maghandog nang dumating si Samuel. Sinalubong siya ni Saul at binati. 11 Tinanong siya ni Samuel, “Bakit mo ginawa iyan?”

Sumagot siya, “Ang mga kasama ko'y isa-isa nang nag-aalisan, nariyan na sa Micmas ang mga Filisteo, at ikaw nama'y hindi dumating sa oras na ating usapan. 12 Ako'y nangambang lusubin kami ng mga Filisteo rito sa Gilgal na hindi pa ako nakapaghahandog kay Yahweh, kaya napilitan akong maghandog.”

Read full chapter