Font Size
1 Samuel 13:19-21
Ang Biblia, 2001
1 Samuel 13:19-21
Ang Biblia, 2001
Walang Sandata ang Israel
19 Noon ay walang panday na matagpuan sa buong lupain ng Israel, sapagkat sinasabi ng mga Filisteo, “Baka ang mga Hebreo ay gumawa ng kanilang mga tabak o mga sibat;”
20 ngunit nilusong ng lahat ng mga Israelita ang mga Filisteo upang ihasa ng bawat lalaki ang kanyang pang-araro, asarol, palakol, at piko;
21 gayunma'y mayroon silang pangkikil para sa mga piko, asarol, kalaykay, at sa mga palakol, at panghasa ng mga panundot.[a]
Read full chapterFootnotes
- 1 Samuel 13:21 Sa Hebreo ay di-tiyak ang kahulugan ng talatang ito.