Font Size
1 Samuel 14:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 14:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
26 Pagpasok nila rito, nakita nilang umaagos ang pulot ngunit ni hindi sila tumikim dahil natatakot sila sa sumpa ni Saul. 27 Palibhasa'y hindi alam ni Jonatan ang tungkol sa sumpa ng kanyang ama, itinubog niya sa pulot ang kanyang tungkod, at sinipsip ito. At nagliwanag ang kanyang paninging nanlabo na dahil sa gutom at pagod. 28 Sinabi sa kanya ng isa sa mga Israelita, “Mahigpit pong ipinagbabawal ng iyong ama ang tumikim ng pagkain sa araw na ito. Kaya latang-lata na ang mga tao.”
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC)
By Philippine Bible Society