Add parallel Print Page Options

(A)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan,
Upang sila'y palukluking kasama ng mga prinsipe,
At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian:
(B)Sapagka't ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon,
At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila.
(C)Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal;
Nguni't ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman;
Sapagka't sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig.
10 Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay (D)malalansag;
Laban sa kanila'y kukulog siya (E)mula sa langit:
(F)Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa;
At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari,
At (G)palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis.

Read full chapter