Add parallel Print Page Options

Pero sinabi ni David, “Alam na alam ng iyong ama ang tungkol sa pagkakaibigan natin kaya minabuti niya na huwag nang ipaalam sa iyo ang plano niyang pagpatay sa akin, dahil baka masaktan ka lang. Pero tinitiyak ko sa iyo, at sa harap ng presensya ng Panginoon na buhay, na nasa panganib ang buhay ko.” Sinabi ni Jonatan, “Kung anuman ang gusto mo, gagawin ko.” Kaya sinabi ni David, “Bukas ay Pista ng Pagsisimula ng Buwan,[a] at gaya ng nakagawian, dapat akong kumain kasama ng iyong ama. Pero hayaan mo akong makaalis at magtago sa bukid hanggang sa gabi ng ikatlong araw.

Read full chapter

Footnotes

  1. 20:5 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.