Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan kay David, Anomang adhikain ng iyong kaluluwa ay aking gagawin dahil sa iyo.

At sinabi ni David kay Jonathan, (A)Narito, bukas ay bagong buwan, at ako'y di marapat na di sumalo sa hari; nguni't bayaan mo akong yumaon upang ako'y (B)magkubli sa parang hanggang sa ikatlong araw sa paglubog ng araw.

Kung ako'y punahin ng iyong ama, iyo ngang sabihing, Hiniling na mainam sa akin ni David na siya'y patakbuhin sa (C)Beth-lehem na kaniyang bayan: sapagka't siyang (D)paghahain na taonan sa lahat ng angkan.

Read full chapter