Font Size
1 Samuel 22:1-3
Ang Biblia, 2001
1 Samuel 22:1-3
Ang Biblia, 2001
Pinatay ang mga Pari sa Nob
22 Umalis(A) si David doon at tumakas patungo sa yungib ng Adullam. Nang mabalitaan iyon ng kanyang mga kapatid at ng sambahayan ng kanyang ama, kanilang pinuntahan siya roon.
2 Bawat nagdadalamhati, bawat may utang, at bawat hindi nasisiyahan ay nagtipun-tipon sa kanya, at siya'y naging punong-kawal nila. At nagkaroon siya ng may apatnaraang tauhan.
3 Mula roon ay pumunta si David sa Mizpa ng Moab, at kanyang sinabi sa hari ng Moab: “Hinihiling ko sa iyo na ang aking ama at ina ay makalabas, at makipanirahan sa inyo, hanggang sa malaman ko kung ano ang gagawin ng Diyos para sa akin.”
Read full chapter