Font Size
1 Samuel 8:5-7
Ang Biblia (1978)
1 Samuel 8:5-7
Ang Biblia (1978)
5 At kanilang sinabi sa kaniya, Narito, ikaw ay matanda na, at ang iyong mga anak ay hindi lumalakad sa iyong mga daan: ngayon nga'y (A)lagyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin gaya ng lahat ng mga bansa.
6 Nguni't hindi minabuti ni Samuel, nang kanilang sabihin, Bigyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin. At si Samuel ay nanalangin sa Panginoon.
7 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagka't (B)hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila (C)ako, upang huwag akong maghari sa kanila.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978