Add parallel Print Page Options

at isugo sa inyo si Timoteo, isang kapatid at kamanggagawa ng Diyos sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ni Cristo. Sinugo namin siya upang palakasin at pasiglahin kayo sa inyong pananampalataya, upang walang sinuman sa inyo ang manghina dahil sa mga pagsubok na ito. Kayo mismo ang nakababatid na ang pag-uusig ay bahagi ng kalooban ng Diyos para sa atin. Sinabi na namin ito sa inyo noong magkasama pa tayo na tayo'y uusigin, at alam ninyong ganito nga ang nangyayari ngayon.

Read full chapter