Font Size
1 Timoteo 4:1-3
Magandang Balita Biblia
1 Timoteo 4:1-3
Magandang Balita Biblia
Mga Huwad na Guro
4 Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay tatalikuran ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo. 2 Ang mga katuruang ito'y pinalalaganap ng mga taong sinungaling at may mga manhid na budhi. 3 Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa at ang ilang uri ng pagkain, mga pagkaing nilikha ng Diyos upang kaining may pasasalamat ng mga mananampalataya at nakakaunawa ng katotohanan.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.