Font Size
1 Timoteo 5:13-15
Ang Salita ng Diyos
1 Timoteo 5:13-15
Ang Salita ng Diyos
13 Dagdag pa rito, natututo silang maging tamad na nagpapalipat-lipat sa mga bahay-bahay. Hindi lang sila mga tamad kundi sila ay mga masitsit[a] at nakikialam sa buhay ng ibang tao at nagsasabi ng mga bagay na hindi nila dapat sabihin. 14 Kaya nga, ninanais ko na ang mga batang balo ay mag-asawa, na sila ay magkaanak at pangalagaan ang kanilang tahanan upang hindi sila magbigay ng pagkakataon sa kaaway na alipustain sila. 15 Ito ay sapagkat ang ilan ay tumalikod na at sumunod na kay Satanas.
Read full chapterFootnotes
- 1 Timoteo 5:13 Ito ay ang walang pigil na pagdadala ng lahat ng uri ng usapin.
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International