Font Size
1 Timoteo 5:22-24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Timoteo 5:22-24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
22 Huwag kang padalos-dalos sa pagpapatong ng kamay mo sa kahit sino para bigyan ng kapangyarihang mamuno sa iglesya. Ingatan mong huwag masangkot sa kasalanan ng iba. Manatili kang walang bahid ng kasalanan.
23 Dahil sa madalas na pananakit ng sikmura mo, uminom ka ng kaunting alak.[a]
24 May mga taong lantad na lantad ang mga kasalanan nila bago pa man sila hatulan. Pero ang iba namaʼy sa bandang huli na lang nalalantad ang kasalanan.
Read full chapterFootnotes
- 5:23 alak: Hindi ito tumutukoy sa matapang na alak, kundi sa katas ng ubas na ginawang alak.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®