Add parallel Print Page Options

15 Ipapakita siya ng Diyos sa takdang panahon, ang Diyos na mapagpala at tanging Makapangyarihan, Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon. 16 Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa liwanag na di-malapitan! Walang taong nakakita o makakakita sa kanya. Sumakanya nawa ang karangalan at paghaharing walang hanggan. Amen.

17 Utusan mo ang mayayaman sa kapanahunang ito na huwag silang magmataas o magtiwala sa kayamanang lumilipas at pansamantala lamang. Sa halip ay magtiwala sila sa Diyos na masaganang nagkakaloob ng lahat ng bagay para sa ating kasiyahan.

Read full chapter