Add parallel Print Page Options

10 Ito ay sapagkat ang kapighatiang mula sa Diyos ay nagdudulot ng pagsisising patungo sa kaligtasan at hindi dapat pagsisihan. Ang kapighatiang mula sa sanlibutan ay nagdudulot ng kamatayan. 11 Sapagkat narito, ang inyong kapighatiang mula sa Diyos ay nagdulot ng kasigasigan na malinis ninyo ang inyong pangalan. Nagdulot ito ng inyong lubhang pagkagalit, pagkatakot, pananabik, pagsusumigasig at paghahangad ng katarungan. Sa lahat ng bagay pinatunayan ninyong dalisay ang inyong mga sarili sa bagay na ito. 12 Kaya nga, kahit na ako ay sumulat sa inyo, ito ay hindi dahil sa isang gumawa ng pagkakamali ni alang-alang sa ginawan ng pagkakamali. Subalit sumulat ako sa inyo upang ang aming pagsusumigasig para sa inyo ay maging hayag sa inyo sa harap ng Diyos.

Read full chapter