Font Size
2 Corinto 9:8-10
Ang Salita ng Diyos
2 Corinto 9:8-10
Ang Salita ng Diyos
8 Magagawa ng Diyos na pasaganain sa inyo ang bawat biyaya upang sa lahat ng paraan ay magkaroon kayo ng kasapatan at sumagana kayo sa bawat mabuting gawa. 9 Ayon sa nasusulat:
Namamahagi siya sa malalayong dako, nagbigay siya sa mga mahihirap. Ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman.
10 Ang nagbibigay ng binhi sa manghahasik at nagbibigay ng tinapay na makakain ay siya ring magpaparami ng inyong ani. Pararamihin din niya ang bunga ng inyong katuwiran.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International