Font Size
2 Cronica 10:16-18
Ang Biblia, 2001
2 Cronica 10:16-18
Ang Biblia, 2001
16 Nang(A) makita ng buong Israel na hindi sila pinakinggan ng hari, sumagot ang bayan sa hari, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse. Bawat isa sa inyong tolda, O Israel! Tumingin ka ngayon sa sarili mong bahay, David.” Kaya't ang buong Israel ay humayo sa kani-kanilang tolda.
17 Ngunit si Rehoboam ay naghari sa mga anak ni Israel na nakatira sa mga lunsod ng Juda.
18 Nang suguin ni Haring Rehoboam si Hadoram, na tagapangasiwa sa sapilitang paggawa, ay pinagbabato siya ng mga anak ni Israel hanggang sa mamatay. At si Haring Rehoboam ay dali-daling sumakay sa kanyang karwahe upang tumakas patungo sa Jerusalem.
Read full chapter