Add parallel Print Page Options

Naglagay siya ng mga kawal sa lahat ng mga lunsod na may kuta sa Juda, at naglagay ng mga tanggulan sa lupain ng Juda, at sa mga lunsod ng Efraim na sinakop ni Asa na kanyang ama.

Ang Panginoon ay kasama ni Jehoshafat, sapagkat siya'y lumakad sa mga unang lakad ng kanyang ama[a] at hindi niya hinanap ang mga Baal;

kundi hinanap ang Diyos ng kanyang ama at lumakad sa kanyang mga utos, at hindi ayon sa mga gawa ng Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Cronica 17:3 Sa ibang kasulatan ay amang si David .