Font Size
2 Cronica 22:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 22:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Kalooban ng Diyos na ang pagdalaw niyang ito ang maging pagkakataon para siya bumagsak. Sumama siya kay Joram[a] upang makipagkita kay Jehu na anak ni Namsi. Si Jehu ang pinili ni Yahweh upang lipulin ang sambahayan ni Ahab. 8 Sa pagsasakatuparan nito, natagpuan niya ang mga pinuno ng Juda at ang mga pamangkin ni Ahazias na naglilingkod dito. Kaya't pinagpapatay niya ang mga ito. 9 Ipinahanap nila si Ahazias at natagpuan ito sa Samaria. Dinala nila ito kay Jehu at kanyang ipinapatay. Ipinalibing niya ito at ang sabi, “Apo ito ni Jehoshafat na tapat na naglingkod kay Yahweh.” Walang natira sa sambahayan ni Ahazias na may kakayahang maghari sa Juda.
Read full chapterFootnotes
- 7 Joram: Sa tekstong Hebreo ay “Jehoram” , na isang paraan ng pagbaybay sa pangalang ito.
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC)
By Philippine Bible Society