Add parallel Print Page Options

Si Uzzias ay naging ketongin dahil sa pagsusunog ng kamangyan.

16 Nguni't (A)nang siya'y lumakas, ang (B)kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan.

17 At si Azarias na saserdote ay (C)pumasok pagkatapos niya, at kasama niya'y walong pung saserdote ng Panginoon, na mga matapang na lalake:

18 At kanilang hinadlangan si Uzzias na hari, at nagsipagsabi sa kaniya, (D)Hindi nauukol sa iyo, Uzzias, na magsunog ng kamangyan sa Panginoon, kundi sa (E)mga saserdote na mga anak ni Aaron, na mga itinalaga na magsunog ng kamangyan: lumabas ka sa santuario; sapagka't ikaw ay sumalangsang; ni di magiging karangalan sa iyo sa ganang Panginoong Dios.

Read full chapter