2 Cronica 7:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Bukod dito'y itinalaga ni Salomon ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon; sapagka't doon niya inihandog ang mga handog na susunugin, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, sapagka't ang tansong dambana na ginawa ni Salomon ay hindi makakaya sa handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa taba.
Ang pista ng pagtatalaga.
8 Sa gayo'y ipinagdiwang ang kapistahan nang panahong yaon na pitong araw, ni Salomon, at ng buong Israel na kasama niya, ng totoong malaking kapisanan, mula sa pasukan sa Hamath (A)hanggang sa batis ng Egipto.
9 At sa ikawalong araw ay nagsipagdiwang sila ng dakilang kapulungan: (B)sapagka't kanilang iningatan ang pagtatalaga sa dambana na pitong araw, at ang kapistahan ay pitong araw.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978