Add parallel Print Page Options

Ang Paghahari ni Shalum sa Israel

13 Naging hari ng Israel ang anak ni Jabes na si Shalum nang ika-39 na taon ng paghahari ni Uzia[a] sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng isang buwan. 14 Pinatay siya ni Menahem na anak ni Gadi nang dumating ito sa Samaria galing Tirza. Si Menahem ang pumalit kay Shalum bilang hari.

15 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Shalum, pati ang balak niyang pagpatay kay Zacarias ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:13 Uzia: o, Azaria.